News

UPDATING OF GENDER AND DEVELOPMENT (GAD) CODE

Facebook

March 24, 2023

Ang Gender and Development Code ay binuo upang maging batayan ng mga programa ng lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga kababaihan laban sa disktiminasyon, upang magkaroon ng pantay-pantay na paningin sa lipunan, upang mabigyan ng proteksyon at lunas sa mga kababaihang biktima ng pang-aabuso , upang magkaroon ng parehong karapatan ang mga kababaihan gaya ng mga kalalakihan at magkaroon sila ng boses. Gayundin, magkaroon ng mga programa para matugunan ang isyu ng mga mamamayang nabibilang sa sector ng LGBTQIA+ at mga OSY. Ngayong araw ay ginanap ang pagpupulong upang iupdate ang Gender and Devepoment (GAD) Code ng bayan ng Talisay sa pangunguna ng GAD Focal person na si Bb. Genalyn M. Barba. Dinaluhan ito ni Kon. Tess Panghulan, Chairman-Committee on Women & Family, Kon. Henry de Leon, Chairman-Committee on Appropriations, Kon. Mohammad Yusoph, ABC President, mga pinuno ng tanggapan ng pamahalaang lokal sa pangunguna ng Pambayang Administrador Alfredo Anciado, DILG Officer, Gng. Ma. Teresa Tipa, Talisay PNP sa pangunguna ni Major Arturo Patulot, PESO Manager Joan Medina, Barangay Nutrition Scholars (BNS) Pres. Kris Luna, SKBT Pres. Lourdes Santarin at kinatawan ng Dep-Ed.