OFFICE OF THE MAYOR

UNANG SEREMONYA NG BANDILA SA BAGONG ADMINISTRASYON

Ika-4 ng Hulyo 2022

Daan Tungo sa Kaunlaran ang tema ng unang Seremonya ng Bandila na ginawa sa pamumuno ng Punong Bayan, Kgg. Nestor D. Natanauan. Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Kgg. Francis M. Magsino, pangalawang Punong Bayan, mga namumuno at empleyado ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaang lokal at nasyonal, ang Kura Paroko Milo Malabuyoc, kapulisan, bumbero, mga punong guro at mga bisita.

"Ang ating mga gagawin ay hindi para sa atin, kundi para sa ating mga kababayan at para sa bayan. Ang nais kong pamumuno ay bukas upang malaman ng mga tao ang ating mga ginagawa". - Kgg. Nestor D. Natanauan

Inilahad din ng Punong Bayan ang mga pangunahing plano hinggil sa pagsasaayos ng mga pagawaing bayan, kalusugan, edukasyon, agrikultura, komersyo o pagnenegosyo, pangkabuhayan, kawanggawa, pagtulong sa maralita at iba pa. Ganundin ay binigyang diin ang suporta na kinakailangan mula sa Sangguniang Bayan upang magkakatulong na isulong ang kaunlaran ng bayan.

Carousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel imageCarousel image